Wednesday, December 31, 2008

unfortunate events

Matagal-tagal din akong nawala sa mga dahilang hindi ko inaasahan kaya medyo busy lang tulad na lang ng larawan sa itaas ito ay ang TFC dish na nasira dahil sa ginawang bodega at kwarto sa roof top ng aming tinitirahan nayupi ito at nawalan ng signal kaya ilang araw din kaming walang TFC pero sa ngayon ayos na ito.Sa sobrang inis at may kabagalan sa pagkumpuni nito napagpasyahan ko na magpakabit ng Pinoy tv kaya kapuso at kapamilya na ako dito sa Saudi.

Ang pinakamatinding nangyari na sumira sa aking kinahiligan at ito ang pagblog tulad nito ay ang hindi pagkakaunawaan ng aking kasamahan dito sa bahay inaway ako ng matandang matabang kabayan ko na insecure sa buhay-buhay kaya inaway ako dahil sa sobrang sama nya at sakim pinutolan ako ng internet connection kaya hayon matagal din akong hindi nakapagblog.Ngunit pinagpapala pa rin ako dahil may libre akong nasasagap na signal ng internet dito sa gusaling
aking tinitirahan at magandang balita sakin dahil sa ikinabit na bagong system sa botika na naka dsl na ang mga transaction kaya ayon pasimple akong nakakainternet pag walang gaanong tao.

Mabalik tayo sa taong nang away sakin, ang pinagmulan ng kanyang pang aaway ay dahil lang sa extension wire na nasunog na pagmamay ari nya pinaalam ko sa kanya na kung anong nangayari talaga sa wire na iyon dahil ako at ang kasamahan ko ang nakasaksi.Ayaw kaming pakinggan at pinaalam ko din sa kanya na ang wire na iyon ay may history na nasira na noon pa at ginagamit pa rin nila.For safety purposes naman ang aming ibig iparating sa kanya.Napakababaw ng pinagmulan kung ating titingnan ang sitwasyon dahil ayaw nyang makinig at magpatalo kaya nangyari iyon,hay mahirap talaga makisama lalo na sa beteranong ofw na tulad nya generation gap kaya ito LOL.Pagpasensyahan na natin sya.Ang pakikitungo ko sa kanya ay casual na lang hanngang ngayon hindi pa rin nya ako kinikibo.Peace out dawg!!!

4 comments:

RJ said...

Tsk, tsk, tsk. Kaya pala... Sige 'civil' nalang kayo...

Ako may TFC na rin, Mightydacz! Last December 6 lang naikabit!

Happy New Year! o",)

Anonymous said...

hi ron, wag mo na lang pansinin yun, di naman sya importante, lucky ako kasi di ko sya nakasama ng matagal, kaya never kong na-experience yung awayin nya, may pag ka-childish kasi sya, lam mo na mahirap pumatol sa matanda na nag-iisip bata, hahaha! Happy new year!

mightydacz said...

hi oi marian rivera fanatic ka talaga bob ginamit mo name nya hehehe alm ko hindi ka naman malilipat dito sa eastern region kaya hindi mo sya makakasama.happy new year bob

mightydacz said...

hello dokie oi congratz may tfc ka na,salamat ulit happy new year