December 25,2008 11.30 pm.
Designed and created by Charlotte.Only one day thats why it is a HOLIDAY.wink.
Dennis trillo gagambino inspired x-mas lantern designed by CharlotteMagnolia ice cream from the Philippines thru Batha Pinoy market donated by Jani and Fruit glazed cream cake by Edwin
Beef kare-kare , Steamed stuffed pusit,steamed fish in mayo, chicken cordon bleau,shrimp tempura courtesy by Manny
Mixed pansit and beef menudo
My journey to celebrate Christmas.
Beef sisig,chicken barbeque,beef siomai.We had our exchange gift also worth 100 saudi riyals and i got the gift of Jani a dozen of Glass crystals from stokes store in Hayat Mall in riyadh.I knew all of this dahil magkasama kaming namili after our lunch in canton together with my super rich Louis Vuitton lover Manny.LoL
My journey to celebrate Christmas.
How will I forget the 24th day of December around 4pm Saudi time a one-of -a -kind- first-time-experience happened to me. Ang aking sinasakyang kotse ay bumangga.Lucky enough minor lang at walang nasaktan.Hindi ako ang nagmamaneho pasahero lamang ako ng aking beastfriend remember the away because of extension wire sya po ang driver.
Dahilan kami ng traffic hanggang sa dumating ang Saudi traffic police para mag investigate.Well time for me to work kaya iniwan ko na lang sya at sabay para ng taxi.My work is from 4pm to 10pm and my plan after work is to catched up the 11:30 pm SAPTCO bus trip bound to Riyadh,the second to the last trip which is the 12.30 am.Yes,my christmas getaway to celebrate it is in riyadh a five hour travel from my place here in Dammam.
Naabutan ko ang biyahe sabay sakay at natulog lang ngunit pagkalipas ng dalawang oras akoy ginising ng espirito ng kamalasan dahil sa gitna ng disyerto huminto ang makina at tuluyang tumigil ang takbo ng bus sa makatuwid nasiraan ito.Wala ng nagawang paraan para ito ay umandar para kumaripas ng takbo.
Lahat ng pasahero bumaba at naglakad habang nanginginig sa sobrang lamig ng panahon patungo sa bagong bus na aming nilipatan ito ang last trip na bus na napadaan may konti paring swerte dahil hindi puno ito at lahat nakaupo.Ako lamang ang nag iisang pinoy sa bus maybe because pasko yata ito at nagcecelebrate sila.Akoy nagutom at sabay kain ng baong Shawarma,uminom ng tubig at sabay tulog habang angkatabi kung matandang arabo ay naghihilik sa sobrang sarap ng tulog.Muttawa ata ang arabo.Napasarap ako ng tulog dahil medyo pagod.
Akoy nagising dahil nagsisibabaan na sila kaya pala nasa bus terminal na ng Riyadh 5:30 ng umaga.Hinintay ko na magliwanag kaya mga 6:15 akoy sumakay ng taxi at narating din ang bahay.Mahigit 20minutes din ako sa labas ng gate at pilit ginigising si jani tawag ako ng tawag sa mobile phone nya ngunit walang nangyari sarado pa rin ang gate napasarap ang tulog.Kapag minamalas ka nga naman.
May romorondang police ilang beses na pabalik balik sa lugar at akoy nasa labas pa rin akala yata akoy magnanakaw o lasing hanggang sa hindi makatiis ang police sabay hinto at tawag sakin.Siyay nag aarabic at nag iingles kaya kami nagkaintindihan.Hinanap agad sa akin ang aking iqama-resident permit sa Saudi.Naalala ko pasko nga pala ngayon kaya mainit sila sa mga pinoy at pilit akong inaamoy kung may bakas ng alak dahil dito sa Saudi bawal ang alak.Sorry sya hindi ako amoy alak.Buti na lang hindi pa ako nakapag toothbrush kaya amoy pa rin ang bakas ng Shawarma sa aking bibig at hininga, garlic flavor ata iyon.Wala namang naging problema kaya umalis na ang police.
Ilang minuto pa ang main gate ay bukas na salamat sa Indianong maagang pumasok sa trabaho nya.Sabay panhik sa third floor at nakita si Edwin kumakain ng agahan sabay invite sakin to join with him to partake spaghetti,cake and black coffee pagkatapos ng maikling kamustahan and breakfast akoy nakigulo sa kwarto ni Egay at doon na rin natulog until lunch time.Bumaba sa ground floor para sunduin si Jani para mag lunch together with Manny sa Hayat mall.Ngayon hindi na sya secret dahil nabasa mo na.Maligayang Pasko.
1 comment:
1. Ang sasarap ng mga pagkain! Sa picture palang, natatakam na ako!
2. Ayos lang kahit walang 's' ang HOLIDAY, ang mahalaga maSaya kayong lahat kahit Secret celebration ang nangyari. Hirap pala kapag kultura at tradiSyon ng host country ang kalaban. Whew!
3. Hahahah! Bestfriend pa ba kayo ni beastfriend 'cable' nu'ng nabangga ang kotseng sinasakyan nyo?
4. Natawa ako sa amoy ng bawang-flavored Shawarma, pero hindi n'ya 'ata naamoy, sa tingin ko lang ha.
5. Nahuling mai-publish itong post mo, Mightydacz, natagalan ka 'ata sa pag-upload ng mga litrato.
Merry Christmas!
Post a Comment